in

Mga nasawi dahil sa bagyong Pablo, umakyat sa 955

Ayon sa upadate ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) alas-6 ng umaga ngayon araw ng Sabado ay umabot na sa 955 ang bilang ng mga namatay, habang 382 ang naitalang nawawala pa sanhi ng hagupit ng bayong Pablo sa ilang probinsya ng Mindanao noong nakaraang unang linggo nitong Disyembre.

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga namatay habang puspusan din ang rescue at retrieval operations lalong higit sa bayan ng New Bataan sa Compostela Valley.

Sinabi rin ng NDRRMC update ay walo nang mga tulay sa Valencia City, Bukidnon, Davao Oriental, Compostela Valley at ang Waloe Bridge sa Agusan del Norte ang naiayos at maaari nang daanan.

 

Ministry of Labor: 450,000 mga dayuhang naghahanap ng trabaho

Paskong Pinoy sa Mundo