Manila, kasama sa Top 10 Destinations on the Rise in Asia

Kabilang ang Metro Manila sa "Top 10 Destinations on the Rise" in Asia, ayon sa isang international travel website.

Mababasa sa report ng Yahoo!, ika-apat ang Metro Manila sa listahan ng Trip Advisor, kasunod ang Jakarta sa Indonesia; Kathmandu sa Nepal at Calcutta sa India.

Kasama din sa listahan ang Bangalore sa India; Luang Prabang sa Laos; Phnom Penh saCambodia; Chiang Mai sa Thailand; at ang mga lungsod ng Kobe at Osaka ng Japan.

Ang pagkilala diumano sa Metro Manila ay dahil sa kalulunsad na campaign ng Department of Tourism (DOT) na "It's More Fun in the Philippines," kung saan ipinapakita na maraming maaaring gawin sa Maynila tulad ng shopping, clubbing, dining at iba pang entertainment at lifestyle offerings.