in

Mamahaling bag na naglalaman ng P 2.4 milyon, isinauli ng janitor

Isang janitor ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa domestic terminal ang nagsoli ng isang itmi na Burberry bag matapos itong maiwan ng isang negosyanteng sumakay ng eroplano kahapon.

Ayon kay Atty. Cecilio Bobila, si Ronald C. Gandayan ang naka-assign na janitor sa pre-departure area-south wing ng domestic terminal ang nagsoli ng black Burberry bag.

Sa pagsasalaysay ng janitor, ay kanyang nakita ang itim na bag sa ilalim ng upuan sa pre-departure area sa kanyang pag-iikot sa lugar na kanyang pinaglilinisan.Kinuha diumano agad ng janitor ang bag at agad na inireport sa isang ground crew ng Phi­lippine Airlines (PAL) ngunit ng mga sandaling iyon ang eroplano ay nakaalis na. 

Ang bag ay dinala ni Gandayan sa tulong ng PAL ground crew kay Atty. Bobila at binuksan sa harap ng airpolice on-duty. Ang calling card at credit card ng may-ari ang nakita ng mga ito na nagpapatunay na si Francis Lloyd Chua Ty, pasahero ng PR 849 flight na papuntang Cebu ang nagmamay-ari ng bag.

Ayon kay Bobila ang mamahaling bag ay naglalaman ng P1.8 milyong halaga ng iba’t ibang alahas at umabot diumano sa P634,807.96 ang pera na may iba’t ibang denominasyon, mga alahas, branded na relo at mga sunglasses at magkakahalaga ng P1.8 milyon o P2.4 milyon ang kabuuang laman ng bag. 

Hindi naman nag-atubili ang may-ari na bumalik ng airport upang kunin ang naiwang pag-aari.

 

Cagliari – Magkakaroon ng Consulta degli stranieri

Regularization: Hindi kabilang ang mga self-employed