in

Kutsero, nagsauli ng wallet sa turistang pasahero

Rome, Setyembre 13, 2012 – Ibinalik ng isang kutsero ang mahigit 2,000 euros ( P106,600) sa mga turistang French na umarkila ng kanyang kalesa upang umikot sa buong Luneta park noong nakaraang Martes ng umaga.

Ayon sa mga report, si Jaime Mayol, ang 48-anyos na kutsero ay nakitang naiwan ng apat na babaeng mga turista ang wallet na naglalaman ng euros. Mabilis diumanong hinabol ni Mayol ang mga turista at ibinalik ang wallet na natagpuan. Labis naman ang naging tuwa ng turista at niyakap pa diumano ang kutsero.

Hindi diumano ito ang unang pagkakataon na ang kutsero ay nagsauli ng wallet sa kanyang pasahero.

Regolarizzazione. Le istruzioni per compilare le domande

US Ambassador, pinaslang