in

Humigit sa 600,000 job offers mula sa halos 120 bansa

altInilabas na ng POEA ang mga job offers para sa mga skilled workers sa mga gustong magtrabaho sa ibang bansa.  

Ayon sa isang interview kay Carlos Cao, POEA Administrator ay umaabot sa  675,143 ang confirmed job offerrs mula sa halos 120 bansa.

Nanatiling sa Gitnang Silangan pa rin may pinakamataas na inaalok na trabaho. Sa Kuwait ay nangangailangan ng 29,539 bilang domestic helpers at 11.436 construction workers. Sa  Saudi Arabia naman, ay mayroong 19,864 job offers bilang household workers at 16,231 bilang mga professional nurses.

Sa mga bansa ng Europa tulad ng Cyprus, Romania, United Kingdom at Switzerland ay kasalukuyang nangangailangan ng mga domestic workers, care givers at care takers. Sa Germany naman ay nangangailangan din ng mga professional nurses ngunit kiailangan din ang marunong ng German language.

Ayon pa sa POEA, nananatiling Pilipino pa rin ang hanap ng ibang bansa kung skilled workers ang pag-uusapan dahil diumano disiplinado at masinop sa trabaho ang mga Pilipino.

Sa mga nagnanais ng karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa POEA hotlines 722-1144 at 722-1155 o magtungo lamang sa website www.poea.gov.ph

(source POEA website)

‘Permesso di Soggiorno a punti’, malapit ng ipatupad!

“JUST ME” bagong album ni JUSTIN JOY SALAZAR