in

Eastern Samar, niyanig rin ng lindol

Hindi pa man natatapos ang mga aftershocks ng lindol kahapon, tumama naman ang panibagong pagyanig sa Visayas, hapon ng Martes.

Naitala ang epicenter ng lindol malapit sa San Julian, Eastern Samar, bandang 1:37 p.m. (local time).

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Siesmology, tectonic ang origin nito.

Wala namang pinangangambahang tsunami ayon sa PHIVOLCS,

Nangyari ito isang araw matapos yanigin ng magnitude 6.1 na lindol ang malaking bahagi ng Luzon, na nag-iwan ng 16 kumpirmadong patay, ayon sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

 

 

Magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar

UPDATE: Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang epekto ng magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Eastern Samar ngayong hapon.Sa Tacloban City sa Leyte, nagtakbuhan palabas ng eskuwelahan ang mga estudyante nang tumama ang lindol. Sa bayan ng San Julian na sentro ng lindol, nakitaan ng mga bitak ang ilang bahagi ng lupa.Sa mga Kapuso abroad, tumutok o mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International para sa iba pang mga balita.

Posted by GMA News on Tuesday, April 23, 2019

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA LUSLOS O HERNIA

Mga Pilipino, ikalawa sa pinakamalaking komunidad sa Bologna