in

DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party

Dinaluhan ng humigit-kumulang 500,000 katao ang ginanap na thanksgiving at victory party para kay President-elect Rodrigo Duterte.

 

 

Ginanap ang thanksgiving at victory party para kay President-elect Rodrigo Duterte nitong nakaraang Sabado, June 4. Ang nasabing event na inorganisa ng mga Davaeños para sa kanilang outgoing mayor na si Digong. 

Ang titolo “DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party” ginanap ito sa Crocodile Park Concert Grounds sa Davao na dinaluhan ng humigit-kumulang 500,000 katao.

Nagsilbing hosts sa concert sina Arnell Ignacio, Bayani Agbayani at Kat de Castro na mga kilalang supporters ni Duterte. Ilan sa mga guest performers sina Sarah Lahbati, Arron Villafor, Anton Diva, Ivy Violan, Beverly Salviejo, Carlos Agassi, Jimmy Bondoc, Ivy Violan, Gladys Guevarra, Paolo Santos at Andrew E.

Bukod dito, nagpakitang-gilas din ang iba’t ibang talents na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng Davao at iba pang bahagi ni Visayas at Mindanao.

Inaasahang hanggang 1 a.m. pa ang nasabing thanksgiving party para kay Digong pero napilitan ang organizers na itigil na ang concert dahil sa power interruption na sanhi ng biglang pag-ulan.

Dahil dito, hindi na nakapag-perform ang Phenomenal Box-Office star na si Vice Ganda. Pero humarap pa rin siya sa audience para bumati at magpasalamat sa madlang pipol. 

Gayunpaman, bago matapos ang event ay nagsalita rin si President-elect Duterte at binaggit ang ilan sa mga plano niya sa Pilipinas bilang bagong pangulo ng bansa.

Tahasang sinabi ni Duterte na seryoso ang kanyang administrasyon na lipulin ang mga “tulak” ng ipinagbabawal na droga sa bansa.

P5 milyong reward ang ibibigay umano nito sa sinumang makakapatay ng bigtime druglord sa bansa.

“Ang bayad ko ngayon, pagka-drug lord P5 million ‘pag patay. Kung (buhay), P4,999,000 lang,” ani Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na wala na umanong silbi ang mga rehabilitation centers para sa mga drug addicts at drug pushers.

Nagpahiwatig din ang incoming president sa pagiging ‘vigilant’ ng mamamayan kung saan ay hinikayat niya ang citizens arrest sa mga suspected drug pushers sa kanilang barangay at kapag lumaban ay puwede nilang gamitan ng armas at barilin ito.

“Kaya kayong nandiyan sa neigborhood feel free to call us, the police, or do it yourself if you have the gun. Inaaresto kita bilang isang kriminal and I am invoking the criminal law of the land on the selling of shabu. Sumama ka sa akin sa istasyon. I have to bring you to the (police) station,” dagdag pa ni Duterte.

Naunang sinabi ni Duterte sa kanyang mga press confernce na nais niyang ibalik ang parusang bitay sa pamamagitan ng bigti.

 

larawan mula sa Rody Duterte Facebook page 

 

 

Halalang Administratibo: Tessera Elettorale at Paraan ng Pagboto

Matagumpay na Pagtatapos ng Concordia International College, idinaos sa Roma!