in

Chief Justice Corona, guilty

Guilty: Ito ang ibinabang hatol ng ika-15 Kongreso sa impeachment trial ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato C. Corona.

alt

Rome, Mayo 29, 2012 – Isang kasaysayan ang naitala bilang kauna-unahang opisyal ng pamahalaan na na-convict sa isang impeachment trial.

Matapos igawad ng 20 senator-judges ang kanilang ‘guilty verdict’ (1. Angara 
2. A. Cayetano
3. P. Cayetano
4. Drilon 
5. Escudero
6. Estrada 
7. Guingona III
8. Honasan
9. Lacson
10. Lapid
11. Legarda
12. Osmeña III
13. Pangilinan 
14. Pimentel III
15. Recto
16. Revilla, Jr.
17. Sotto
18. Trillanes IV
19. Villar
20. Enrile) laban sa tatlong ‘not guilty’ (1. Arroyo 2. Miriam Defensor-Santiago 3. Ferdinand Marcos Jr.) – na labis sa requirement na 2/3 votes o 16 boto ng 23 senador – si Corona ang kauna-unahang Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman na na-impeach ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at kauna-unahang public official na isinalang sa buong proseso ng impeachment trial.

Mula sa orihinal na walong Articles of Impeachment ay tatlong artikulo na lamang ang isinulong ng 188 kongresistang umaktong complainant o taga-akusa.

Unang dinesisyunan ang Article II na mas kilala na sa taguring SALN issue at matapos maibaba ang “guilty verdict” ng 20 senator-judges ay hindi na pinagbotohan ang dalawa pang natitirang artikulo.

Nakasaad sa rules of impeachment na kahit ilan ang kasong isinampa, kung makakakuha ng conviction sa isa sa mga ito ay awtomatikong matatanggal na sa puwesto ang in-impeach na opisyal.

 

Mga Munispyo, naghahanap sa mga imigranteng hindi tumugon sa Census

Malakas na lindol, naramdaman ulit sa hilagang Italya