in

Beauty contest repeater, bagong title holder ng Bb. Pilipinas 2012

Beauty contest repeaters ang karamihan sa mga itinanghal sa ginanap na Bb. Pilipinas 2012 sa Araneta Coliseum noong nakaraang Linggo.

altRome, Abril 17, 2012 – Ginanap ang Bb. Pilipinas 2012 sa Araneta Coliseum noong Linggo nang gabi.

Tinanghal na Bb. Pilipinas-Universe 2012 title-holder si Janine Tugonon, isang beauty contest repeater na nanalo na bilang 1st runner up sa Bb. Pilipinas noong 2011. Samantala, ang Bb. Pilipinas-International na si Nicole Schmitz naman ay dating Finalist sa 2007 Bb. Pilipinas.

First runner-up si Elaine Kay Moll na semi-inalist sa 2011 Miss World Philippines at 2nd runner up si Annalie Forbes na posibleng sumali uli sa susunod na taon dahil baka sakali na makakuha na siya ng beauty title, gaya nina Janine at Nicole.

Si Katrina Dimara­nan naman ang Bb. Pilipinas-Tourism winner.

Sina Richard Gomez, Phil Younghusband at Lara Quigaman ang mga celebrity judge sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2012 sa Big Dome.

Samantala sina Iza Calzado at Xian Lim ang main hosts at co-anchors naman sina Venus Raj at Georgina Wilson.

Kolesterol

May tapal na packaging tape sa bibig ng Tunisian. Isang foto shock