in

Bea Rose Santiago, kinoronahang Miss International 2013

Miss International, ikatlong titulo ng Pilipinas ngayong taon matapos ang korona ng Miss Supranational at Miss World.

Manila, Disyembre 17, 2013 – Bea Rose Santiago, kinoronahan bilang Miss International 2013 sa ginanap na 53rd Miss International beauty pageant sa Tokyo, Japan, Martes ng gabi.

Ang 21-anyos na Pinay ay tinalo ang 71 kandidata sa pageant.

Tinanghal namang 1st runner up si Miss Netherlands habang 2nd runner up si Miss New Zealand.

Ang Colombia at Hungary ay pumasok naman sa top 5.

Si Bea Rose Santiago ang ika-limang Pinay na kinoronahan sa Miss International kasunod nina Precious Lara Quigaman noong 2005, Melanie Marquez noong 1979, Aurora Pijuan noong 1970, at Gemma Teresa Cruz noong 1964.

Samantala, ito ang ikatlong pagkakataon sa sunod-sunod na titulo ng Pilipinas ngayong taon matapos tanghaling Miss Supranational si Mutya Johanna Datul at Miss World si Megan Young.

Bagong decreto flussi: Mas marami ang conversion

Dec 18 – International Migrant’s Day