in

274 nasawi dahil sa Typhoon Pablo

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang pinakahuling press briefing Miyerkules ng gabi (sa Pilipinas) na umabot na 274 ang mga namatay dahil sa Typhoon Pablo.

Sa bilang ng mga nasawi, apat dito ay pawang mga sundalo ng Philippine Army. 

Sa bahagi naman ng Davao Oriental, nasa 116 na ang napaulat na nasawi, 151 ang sugatan at 21 ang nawawala. 

Hindi naman bababa sa pito ang nasawi sa iba pang bahagi ng Mindanao at Visayas na sinalanta rin ni Pablo. 

Sa kabuuan, sinabi ng NDRRMC na nasa 279 ang patuloy pa ring nawawala. 

Flussi. Via alla compilazione delle domande

Bagyong Pablo, patuloy ang pagsalanta