Miss Intenational Queen 2012, isang Pinoy

Rome, Nob. 6, 2012 – Isang Pinoy ang nanalo sa ginanap na International Transsexual Beauty Pageant sa Thailand kamakailan.

Sa dalawampung contestants buhat sa 15 bansa, kung saan 4 ay pawang mga Pinoy, ang 21 yr old na si Kevin Balot ang tinanghal na Miss International Queen 2012.

Bukod sa korona ay nag-uwi rin si Kevin ng $13,000 US dollars, trophy at mga regalo.

Bilang Miss Internationa Queen 2012, ay mayroon din role si Kevin bilang goodwill ambassador para sa kalayaan at pantay na pagtingin sa mga transgender.

Sa isang panayam, sinabi ni Balot na kanyang hinangad ang korona dahil ito marahil ang magiging daan upang matanggap ng ama ang kanyang tunay na pagkatao.

Ayon sa regulasyon ng taunang pageant, kailangang magpakita ng katibayan ukol sa biological sex ng contestant sa pamamagitan ng birth certificate o ng medical certificate.