in

DOLE-AKAP applications, pansamantalang di tinatanggap ng POLO-Milan at POLO-Rome

Pansamantalang hindi tumatanggap ng DOLE-Akap applications ang Polo Milan at Rome. Ang parehong tanggapan ay tumanggap ng mga aplikasyon online hanggang alas 5 ng hapon kahapon May 11. 

Ayon sa isang komunikasyon mula sa Polo Milan, binanggit dito na halos ubos na ang budget allocation para sa DOLE-Akap at nag-request ng karagdagang fund ang DOLE. 

Since budget allocation for DOLE-Akap is almost fully utilized, the Department of Labor and Employment has requested for additional funds from the National Government for the DOLE-Akap financial assistance program for Ofws”. 

Ang mga aplikasyong natanggap noong May 11, 2020 ay ptuloy na ipo-proseso pa rin ngunit ang pagtanggap ng tulong pinansyal ay batay umano sa magiging availability ng fund.

DOLE-Akap online applications shall resume once additional fund requested by DOLE Secretary Silvestre H. bello has been approved by the Office of the President”.

Ayon pa sa Polo Milan, may kabuuang 6,472 ang bilang ng mga aplikasyong natanggap nito mula Milan at Northern Italy. Sa bilang na ito, 4,168 ang mga inaprubahang aplikasyon na nakakatanggap na at makakatanggap pa ng $200 financial assistance mula DOLE. 

Narito ang Advisory para sa mga aplikanteng nag-qualify na:

  • Makakatanggap ng Notice of Qualification sa email. Siguraduhing ilagay ang tamang IBAN at bank details sa AKAP Pay link.
  • Tandaang bawal i-share sa iba ang AKAP Pay link. Ito ay para lamang sa kwalipikadong aplikante na nakatanggap ng Notice of Qualification.
  • Sa mga qualified applicants na nagsumite na ng kanilang bank details, makakaasa na ipapadala sa inyo ang $200 financial assitance via bonifico sa mga susunod na linggo.

Pagtatanggal sa trabaho sa panahon ng Covid19, ano ang nasasaad sa batas?

Regularization ng mga domestic workers, may ‘accordo’ na