in

3 dakilang ofw, nasawi sa sunog

Mga dakilang guro, undocumented.

altMayo 31, 2012 – Tatlong mga Filipina ang nasawi sa naganap na sunog sa Viallagio Mall Doha Qatar. Sina Maribel Orosco, Margie Yecyec at Julie Ann Soco pawing mga bagong guro ng Gympanzee Nursery School.

Ayon sa mga report, ay hindi iniwanan ang kanilang responsibilidad bilang mga guro at tagasubaybay sa bata. Subalit ito ay nagresulta ng kanilang pagkamatay sa loob ng gusali, kasama ng 13 mga bata at 6 na mga matatanda.

Maituturing mang kabayanihan ang kanilang nagawa ngunit ayon sa mga report ang mga Filipina ay hindi rehistrado sa POEA at OWWA o maitutuing na undocumented OFW.

Ayon sa kanilang pinapasukan kasalukuyan pang inaayos ang kanilang mga papeles para maging legal na OFW workers sa Qatar. 

Samantala, inaasahan naman ng mga mahal sa buhay ng mga naulila na mabibigyan ng kaukulang benepisyo ang mga ito.  

 

Santacruzan in Padova, the tradition goes on

SANTACRUZAN 2012 at ika-21ng ANIBERSARYO NG SENTRO PILIPINO CHAPLAINCY- ROME