in

“Wala pang desisyon ang pamahalaan ukol sa direct hire” – Cecilia Guerra

Walang direct hire para sa trabaho? Ang under secretary: “Mahalaga ang indikasyon ng technical board, ngunit sa politika ay hindi pa gumagawa ng desisiyon. Samantala, ang executive body naman  ay pinag-uusapan ang mga irregulars.

Rome – 18 Ene 2012 – Ang “hindi” ng mga tekniko ay mabigat, ngunit wala pa rin ang huling salita ng gobyerno sa muling pagbubukas ng direct hiring ngayong taong ito sa Italya. At maaga pa rin upang pag-usapan ang problema ng kalahating milyong iregular na imigrante sa bansa.

altIto ang ipinaliwanag kahapon ng umaga sa Stranieriinitalia.it ni Maria Cecilia Guerra, ang Labor and Social under secretary, sa paglulunsad ng potal integrazionemigranti.gov.it.

“Ang portal– ayon pa kay Guerra – ay naglalayong maabot  unang-una ang mga dayuhan sa Italya, upang magbigay ng lahat ng mga impormasyon na kinakailangan upang maramdamang tahanan din nila ang Italya. Nagsisimula ito sa mga unang balakid, tulad ng wika, pagkatapos ay magpapatuloy sa iba’t ibang mga serbisyo na ipinagkakaloob sa nasasakupan ng rehiyon, mga lokal na awtoridad at ng ikatlong sektor, at ng lahat ng mga tanggapan na maaaring maging mahalaga upang mapadali ang integrasyon sa lahat ng angolo ng kanilang pamumuhay”.

 

Makakatulong din ba ang portal ng  integrazionemigranti.gov.it sa mga taong nag-aalok ng mga serbisyong ito?

“Oo naman, dahil inilalagay sa network ang mga publikong tanggapan at third sector, na nagpapahintulot sa mga ito upang ipakilala ang kanilang mga tanggapan at serbisyo at upang malaman nila kung anu ano ang mga serbisyong ipinagkakaloob na at kung anu-ano rin ang mga serbisyong kulang pa sa rehiyon. Samakatuwid ay hindi maiiwasan na pagiging bahagi ng rehiyon at munisipalidad, mataas ang layunin, ngunit ang pinaka sentro nito ay ang integrasyon. “

Handa na ba ang portal o ito ay ipatutupad pa lamang?

“Kung ito ay hindi isang work in progress ay hindi magiging isang portal, magiging walang halaga kung walang updates pagkalipas ng 10 araw. Ngunit sa kasalukuyan, ang senyales ng mga serbisyong kinakailangan ay nag-iiba sa bawat lugar, dahil ang ilan ng mga detalyeng ito ay hindi dumarating sa ilang lugar.  Aming piniling isaaktibo ito upang maging isang ‘source’ ng malawakang impormasyon na sadyang mahalaga at ang panatilihing impormasyon lamang hanggang maging perpekto ay isang maling desisyon at walang bunga.

Ang portal ay bunga ng National Plan for integration na inilunsad ng dating pamahalaan. May nais bang  baguhin sa Plan o ito ay handa at kumpleto na?

“Tiyak na ang integrasyon ay nananatiling pangunahing layunin ng kasalukuyang pamahalaan  at ito ay responsibilidad ng lahat kabilang ang mga ministries upang palakasin ang mga ito, nang walang atrasan. Kung kinakailangang  mapabuti pa ito, ay aming gagawin , ngunit walang rebolusyong sinimulan at nagustuhan ng karamihan”.

Ang mga technical advisers  ng Interior at Labor ministries ay hindi sumasang-ayon sa mga bagong entries  para sa trabaho. Maaari nyo bang kumpirmahin na sa taong ito ay hindi magkakaroon ng direct hire?

“Wala pa sa panahon upang magbigay ng pahayag sa isyung ito, mula sa technical board kami ay nagkaroon ng isang napakahalagang indikasyon, ngunit ang politika ay wala pang desisiyon. Samakatwid, ukol sa direct hire, ay wala pa ring desisyon a ng pamahalaan.”

Ano ang maaaring gawin sa 500 000 iligal na imigrante?

“Sa kasalukuyan ay wala pang desisyon ang pamahalaan na maaari kong ihayag. Ngunit makakasiguradong ang tema ay aming hinaharap ngunit maaga upang pag-usapan ito”.

Custody ng illegitimate child sa ina lamang

Integrazionemigranti.gov.it – Ang bagong portal para sa Integrasyon