in

Umabot sa 4500 ang mga aplikasyon sa regularization

Mga unang figures: ang mga form para sa colf umabot sa 2.900

Roma, Setyembre 17, 2012 – Sa unang araw ng regularization ay umabot sa  4.547 ang dichiarazione di emersione o aplikasyon na ipinadala sa website ng Ministry of Interior.

Ayon ito sa mga unang figures na inilabas ng Interior Ministry, ang mga form para sa colf ay umabot sa 2.900, 379 naman ang para sa  mga subordinate jobs, 1.171 ang mga caregivers para sa mga non self-sufficient  at 97 naman ang mga caregivers para sa mga self-sufficient.

Mula sa Naples ay umabot sa 790 ang ipinadalang application, 742 mula sa Roma at 670 naman mula sa Milan. Samantala, ang mga nasyunalidad ay ang sumusunod: India (843), Bangladesh (685), Ucrainia (493), China (489), Egypt (478) at Marocco (351

 

Submission ng mga aplikasyon, sinimulan na!

Tavolo Nazionale Immigrazione, nangangamba – Maaring mabigo ang regularization