in

Submission ng application sa Servizio Civile, extended hanggang July 8.

Extended sa July 8 ang deadline ng submission ng mga application ng Servizio Civile. 

 

Roma, Hulyo 2, 2016 – Hanggang sa kasalukuyan ay kakaunti ang nag-aplay para sa 35,000 posts na nakalaan sa lahat ng kabataan anuman ang nasyunalidad basta’t regular na naninirahan sa italya. 

Dahil dito ay inanunsyo ni Department of Youth and National Civil Service, Calogero Mauceri ang extension ng pagsusumite ng mga aplikasyon sa “July 8 alas 4 ng hapon”.

Sa website ng department ay matatagpuan ang mga national at regional public announcement, ang mga proyekto sa Italya at sa ibang bansa, ang instruction, forms upang makalahok. 

Basahin rin:

35,000 posts ng Civil Service, kasama rin ang mga kabataang dayuhan

Kontribusyon at Cassa colf, babayaran sa Inps hanggang July 11

Paano ko makukuha ang aking magulang sa pamamagitan ng family reunification?