in

Servizio Civile naghahanap ng 1,000 mga kabataan, kabilang ang mga imigrante

Bagong public announcement para sa recruitment ng mga kabataang volunteers sa buong Italya. Pagsusumite ng aplikasyon hanggang July 31, narito kung paano.
 

 

 

 


Roma – Hulyo 6, 2015 – Bagong pagkakataon para sa mga kabataang Italyano at dayuhan, na nais maging boluntrayo ng isang taon sa National Civil Service o Servizio Civile Nazionale.
 

Inilathala kamakailan ang piblic announcement ukol sa pagpili ng 985 mga boluntrayong kabatan. Partikular, ang 823 ay ilalagay sa mga proyekto tulad ng pag-aalaga sa mga disable at bulag sa bansa; 146 naman sa mga proyekto ng Civil liberty and Immigration Department ng Ministry of Interior; 12 sa proyekto “Ambiente e dintorni” ng Sicily Region; 4 sa proyeto ng Anti-corruption National Authority.

Kabilang sa mga kwalipikado ay ang mga kabataan mula 18 hanggang 28 anyos. Maaaring Italians, Europeans at non-EU nationals sa ilang itinakdang kundisyon. Partikular, kwalipikado rin ang mga miyembro ng pamilya ng Europeans na hindi citizen ng EU member state ngunit nagmamay-ari ng kilalang carta di soggiorno; ang mga mayroong asylum at international protection permit to stay.  

Ang aplikasyon ay dapat na isinumite direkta sa institusyong humahawak ng proyekto hanggang alas 4 ng July 31, 2015. Sa website ng National Office for National Civil service ay matatagpuan ang public competition, ang mga forms para sa aplikasyon at lahat ng mahahalagang impormasyon.
 

Occasional job, kita hanggang 7,000 euros – sapat na halaga para sa permit to stay

Trieste: € 550 kada buwan, kabilang ang mga imigrante