in

Sapilitang pinabibili ng Poste Mobile Sim card sa renewal ng permit to stay, 9 inaresto!

Mga empleyado sa Post Office ay sapilitang pinabibili ng Poste Mobile SIM card ang mga migrante sa pagnanais ng mga itong ipadala ang mga papeles sa issuance ng kanilang mga permit to stay.

altNaples – Siyam na empleyado ng Post Office, salamat sa pakikipagtulungan ng kumpanya, ay tinanggap ang mga order na ibinigay ng mahistrado ng hukuman ng Naples para sa krimeng graft.

Ang mga empleyado, sa katunayan, ay sapilitang pinabibili diumano ng Poste Mobile SIM card ang mga migrante sa pagpapadala ng mga ito ng dokumentasyon na may kinalaman sa issuance ng kanilang mga permit to stay.

Ang  imbestigasyon na isinagawa sa pamamagitan ng Post office Police Department  ay nagmula sa mga ulat ng mga biktima sa pag-abuso, na pinilit na bumili ng card ng mobile at sinabing ito diumano ay kinakailangan para sa paggamit ng serbisyo ng post office.  Salamat sa pakikipagtulungan ng mga istraktura ng seguridad ng Poste Italiane spa.

Hawak Kamay Foundation: to help, inform and educate Ofws in Rome

Decreto salva Italia: Ibinalik ang buwis sa unang tahanan.