in

Regularization, tinatalakay na!

Isang panukala ang isinusulong ng kampanyang Ero straniero: isang aksyon ng regularisasyon para sa mga dayuhang undocumented, na napipilitan sa lavoro nero. Ang panukala ay inaasahang magbibigay ng benepisyong sosyal at pinansyal sa bansa.

Ang panukala, na isang popular initiative ay tinalakay sa isang press conference sa House of Deputies. Ang inisyatiba, ay inaasahang maglilikom ng halagang magmumula sa mga migrante at bukod ditto ay masisigurado ang legalidad  sa mundo ng imigrasyon na magbibigay kita sa estado, na tinatayang aabot hanggang 4 billion euros o 1 bilyong euros kada taon.

Kung may 400,000 mga undocumented ang ire-regular – isang bahagi lamang ng bilang ng mga undocumented – na magkakaroon ng average gross income sa isang taon na aabot sa € 20,000, ay tinatayang magpapasok sa estado ng halagang € 2.232 kada taon kada migrante. At para sa 400,000 katao, ito ay aabot sa 893 million euros”.

Sa halaga umanong nabanggit ay idadagdag pa ang admin expenses at kontribusyon ng ‘emersione’. Ang isang bilyon kada taon ay magagamit sa paaralan, edukasyon na tila di nabigyan ng sapat na atensyon sa Manovra 2020.

Bukod sa 1 bilyong nabanggit, ay maaaring umabot naman sa 3 billion ang babayaran para sa social security.

Simula 2017, ang kampanya ay nagsumite ng 90,000 pirma na humihingi ng Regularisation ng mga dayuhang undocumented at napipilitan sa lavoro nero. Noong nakaraang buwan ng Abril, ay sinimulan ang diskusyon ng panukala sa Commission on Constitutional affairs.

Ang panukala o proposta di legge – “Nuove norme per la promozione del regolare permesso di soggiorno e dell’inclusione sociale e lavorativa di cittadini stranieri non comunitari”ay binubuo ng 8 artikulo na nagsasaad ng

  • Pagbibigay ng permesso di soggiorno temporaneopara sa naghahanap ng trabaho;
  • Mediation sa pagitan ng employer at dayuhan;
  • Pagbabalik sa sponsor system;
  • Regularization batay sa antas ng integrasyon ng migrante;
  • Partesipasyon sa local election;
  • Pagbabasura sa reato di clandestinità

 

 

 

Tredicesima, magkano at kailan dapat matanggap?

Mga Dapat Malaman Tungkol sa STOMACH FLU