in

Regularization 2009 , tanggap pa rin kahit ang employer ay nagsumite ng higit sa isang aplilkasyon

TAR Liguria Verdict No. 201201176 ng 20/09/2012Tinanggap ang apila laban sa pagtanggi sa aplikasyon ng regularization o sanatoria 2009 dahil sa paglabag ng employer sa pagreregular ng isang colf lamang ay hindi dapat makaapekto sa manggagawa.

Roma, Dis 5, 2012 – Ang Regional Administrative Court (TAR) ng Liguria, sa hatol bilang 201201176, ay tinanggap ang apila ng isang dayuhan laban sa pagtangging bigyan ng working permit (nulla osta) ng Sportello Unico per l’Immigrazione ng Genova ang manggagawa matapos ang kahilingan ng regularization ng employer.

Sa pagsusuri ng mga dokumentasyon, ay tinanggap ng mga hukom, sa kabila nang pagsusumite ng employer ng dalawang aplikasyon na ipinagbawal ayon sa regulasyong itinalaga ng Regularization 2009, na ang nasabing di pagsunod ng employer ay hindi dapat makaapekto sa sitwasyon ng manggagawa.

Samakatuwid ay pinawalang-bisa ng TAR ang pagtanggi ng Sportello Unico at ipinapaubaya sa Public Administration ang pagsasara ng kaso, maaaring bigyan ng permesso per attesa occupazione batay sa artikulo 22, 11 ng d.lgs.

I-download ang kopya ng hatol

 

 

 

 

NDRRMC: Umabot na sa 95 naitalang namatay sa bagyong Pablo

Pagkakataon ng employer na nagbayad ng 1,000 E na maipadala online ang aplikasyon ng Sanatora ‘12