Refugee nakakapit sa bangkang lumulubog na, naisalba

Isa sa iilang survivor ng trahedya sa dagat sa pagitan ng Turkey at Greece. Narito ang video.

 

Roma, Pebrero 11, 2016 – Isang refugee ang walang pag-asang nakakapit sa dulo ng halos lumulubog ng bangka ang naisalba kamakailan.

Siya ay isa sa iilang survivor ng trahedya sa dagat sa pagitan ng Turkey at Greece. Ayon sa ilang mga saksi, ay maroong 40 katao sa bangka at 27 nito ang mga namatay at apat lamang ang naligtas. Ang ilan ay kasalukuyang hinahanap pa.

Natagpuan ng isang helicopter ng Turkish Coast Guard noong nakaraang linggo ang mamang nabanggit sa gitna ng karagatan (sa pagitan ng Edremit at Lesbo)na nakakapit sa dulo ng halos lumulubog ng bangka. Isang rescurer ang ibinaba ng helicopter at nagligtas sa kanyang buhay.

Narito ang video