in

Populasyon sa Italya, lumalago dahil sa mga imigrante

Tatlong doble ang idinami ng mga dayuhan kumpara sa taong 2001

altRoma, 20 Enero 2012 – Huminto ang Italya sa paglago, kung lumaki naman ang populasyon ito ay dahil sa mga imigrante.

Ito ang pagsisiwalat ng ‘Istat’ sa kanilang ‘Noi Italia’. Sa taong 2010 ang birth rate ay negatibo (-0,42 bawat 1,000 residente), halos kapareho ng taong 2002 (-0,32) sa kabila ng lahat ang populasyon ng mga residente sa bansa ay patuloy ang paglago, ito ay dahil lamang sa migrasyon, na sa taong 2010 ay nagpahiwatig ng migration rate katumbas ng 6,28 bawat isang libong residente.

Sa European context, ang Italya ay naitala ang isang normal na pagtaas, halos kapareho ng mga bansang bagong kabilang sa EU.  Ang Italya ay halos isa sa pinaka paborito naman, kung ang paglago sa migrasyon ang pag-uusapan,

Sa kabuuan, ang Istat ay naghayag na ang mga dayuhang nakatala sa Registrar ng bawat munisipyo sa umpisa ng taong 2011 ay halos 4,6 milyon, katumbas ng 7,5 % ng lahat ng kabuuang bilang ng mga residente. Kumpara sa taong 2001 ay tatlong doble ang itinaas sa bilang ng mga migrante; sa taong 2010 naman ay dumami ng 7,9 %, isang mas mabagal na paglago kaysa sa nakaraang taon.

Ang mga nationalities ng populasyon ng mga banyagang residente sa Italya ay medyo paiba-iba. Ang unang limang constant nationalities mula Enero 1, 2011 (Romanian, Albanian, Moroccan, Chinese, Ukrainians), gayunpaman, ang limang ito lamang ay higit pa sa 50 porsyento ng kabuuan. Kabilang sa mga komunidad na pinaka marami sa taong 2010 ay higit na lumago ay ang mga mula sa  Silangang Europa at mula ng Indian subcontinent.

Magmula noong Enero 1, 2010 ang mga non-EU nationals na regular sa Italya ay 3,400,000 at patuloy ang pagdami kumpara sa nakaraang taon. Gayundin ay nagbago sa paglipas ng panahon  ang mga dahilan kung bakit ang mga dayuhan na may permit to stay ay pinipili ang manirahan sa bansang Italya.

Mas mataas ang porsyento ng mga taong naninirahan sa Italya para sa dahilan ng pamilya: halos 13% noong 1992 at 34 % sa taong 2010. Ang mga dayuhan na may edad 15-64 na naninirahan sa Italya ay may mga antas ng edukasyon na katulad ng mga Italyano. Halos kalahati ng mga dayuhan ay nakatapos ng High school (ang 49.7% kumpara sa 46.3 % ng Italians). Ang 40.3 % naman ang nakatapos ng Second degree High school at 10% college degree.

Ang labor force ng mga dayuhan ay 9,4 % ng kabuuan. Ang employment rate ng mga dayuhan ay mas mataas kaysa sa Italians (67.0 kumpara sa 60.6 porsyento), gayun din ang unemployment rate (11.6 % at 8.1 %, ayon sa pagkakabanggit). Ang inactivity rate ng mga dayuhan, gayunpaman, ay mas mababa sa sampung porsyento kaysa sa populasyon ng Italyano (28.6 % kumpara sa 38.6%).
 

Sportello Unico, nagbawas ng empleyado sa nalalapit na pagpapatupad ng integration agreement

Mga Pinoy crew ng Costa at mga Ofws sa Roma, nagsalu-salo