in

Permesso per attesa occupazione, ibibigay lamang kung ang pagpapatala sa Centro per l’Impiego ay nasa validity period ng permit to stay

Ibibigay lamang ang permesso di soggiorno per attesa occupazione kung ang registration sa Centro per l’Impiego ay naganap bago ang expiration ng permit to stay o sa validity period ng nasabing dokumento.

Ito ay nasasaad sa hatol ng Administrative Court ng Emilia-Romagna noong nakaraang August 2, batay sa interpretasyon ng artikulo 22 talata 11 ng D.Lgs 286/1998 (TU Immigrazione) na nagsasaad na ang pagkawala ng trabaho ay hindi dahilan upang pawalang-bisa ang permit to stay at ito ay balido para sa lahat ng uri ng employment.

Kahit pa ang employment contract ay tempo determinato, ito ay  nagpapahintulot sa issuance ng permit to stay at kung sakaling ang kontrata o hiring ay magtapos ng mas maaga sa itinalaga, ito ay hindi dahilan ng pagpapawalang-bisa sa permit to stay.

Ngunit mahalagang ang pagpapatala o registration sa Centro per l’Impiego ay maganap sa panahong balido pa ang permit to stay.

Samakatwid,  kung ang pagpapatala ay makalipas ang validity period ng dokumento, ito ay magiging hadlang para sa issuance ng permesso di soggiorno per attesa occupazione.

 

Basahin din:

DID o Dichiarazione di Immediata Disponibilta’, ang halaga nito sa issuance ng permesso di soggiorno per attesa occupazione

 

 

 

 

Renewal ng permit to stay, ipagkakait ba sa dayuhan kung nag-renew makalipas ang 60 araw ng expiration nito?

Hindi pagkaka-unawaan ng employer at colf ukol sa ferie? Narito ang isang gabay