in

Permesso di soggiorno per valore civile, ibinigay sa dalawang imigrante sa Padova

Ibinigay sa dalawang imigrante sa Padova ang permesso di soggiorno per valore civico sa unang unang pagkakataon sa Italya matapos simulang ipatupad ang Decreto Sicurezza.

Ayon sa ulat ng ‘Il mattino di Padova’, ang partikular na uri ng permit to stay ay ibinigay kay Solomon Ehigiator, isang 30 anyos na Nigerian, matapos isalba ang isang Chinese National noong July 2018 sa pagtatangka nitong mag-suicide sa Piovego River; at kay Ousmane Cissokho, isang 22 anyos na Senegalese na nagsalba din sa isang mamamayang handang kitilin ang buhay.

Ayon kay Renato Franceschelli, ang Prefect ng Padova at Paolo Fassari, ang Questore habang ibinibigay ang permit to stay, “ito ay isang mahalagang pagkilala sa kanilang ipinakitang tapang”.

Ang dalawang dayuhan ay nagulat sa magandang balita at hindi inaasahan ang pagtanggap ng nabanggit na dokumento.

Click day ng Decreto Flussi 2019, malapit na!

Access online sa Sportello Unico Immigrazione, sa pamamagitan ng Spid lamang