in

Parada ng ‘Blood and Honour’, gaganapin sa Roma

Ipinapangaral nila ang poot sa hindi kalahi at sinusundan nila ang mga yapak ni Hitler. Sa ika-28 ng Oktubre, ang unang pagtitipon sa Italya, sa pangunguna ng mga skinheads ng Kapital.

altRome – Musika at mga pangakong pampulitika ukol sa idiyolohiya ng rasismo.

Ang grupo ‘ Blood & Honour’, itinatag sa Inghilterral ngunit ngayon ay isa ng international network, mayroong sariling identity at malinaw na may mga yapak ng Blut und Ehre na moto ni Hitler.

Pinagbawalan taon na ang nakakaraan sa Alemanya dahil sa mga gawain ng paninira, minatyagang mabuti sa Britain para sa kanyang mga koneksyon sa hoolingans at mga aksyon anti-migrant ng neo-Nazi group C18, ay dumating na rin sa Italya. Sa Oktubre 28, anibersaryo ng pasismo ay gaganapin ang unang pagtitipon ng mga haligi ng B & H Italia sa Kapital.

Bilang panauhain sa kaganapan, bukod sa Celtic cross, naka dipang mga braso, anti-migrant slogans at kanilang mga awitin ay gaganapin sa Casa Italia Colleverde, sa Via Monte Bianco, isang lugar na pinamamahalaang ng group SPQR Skin. Isang desisyon na tila sumira sa mga partido ng estreme right, kung totoong hindi gaganapin ang pagtitipon sa Veneto Fronte Skin o sa Casa Pound .

Samantala, isang paghahanda sa nakakapangilabot na awitin ng B & H march sa Roma.

Back-to-school – Gelmini “Integrasyon sa bawat klase”

Buwan ng Agosto, 260 Pinoys bumisita sa Lourdes at Paris