Pagiging isang ganap na Italyano? Maihahambing sa pag-panalo ng reality show

Si Mary at marami pang iba ang nagbabaka-sakali…. Narito ang video ng Vola Alto Cittadini si Nasce.

Rome – Pebrero 11, 2013 – Sina Mary, Ana, Elisabetta, Sami, Kleit at Mussiè, nag-audition sa “Cittadini si Nasce?”

Ito ay isang pambihirang reality show, kung saan mapapanalunan, hindi ang karaniwang 1 million euros, kundi ang Italian citizenship. Dahil hindi lahat ng ipina-panganak sa Italya ay mayroong karapatang maging ganap na Italyano, ang magkaroon nito ay mahirap…. at maihahambing sa pagpanalo ng Big Brother (Grande Fratello).

Ito ang layuning nasa likod ng nakakatuwang video clip ng Associazione Marco Formigoni upang ilunsad ang second edition ng Vola Alto. Ang public competition, sa pakikipag-tulungan ng Comune di Milano, na nag-aanyaya sa lahat ng mga kabataan ng ikalawang henerasyon ng iba’t ibang nasyunalidad sa paggawa ng isang short film (cortometraggio) na may temang ius soli.

Ang deadline? Sa April 15, magmadali!!!