in

Online, bagong paraan ng appointment system ng mga ‘permessi cartacei’

Bologna – Simula sa Pebrero 4 ay magkakaroon ng isang bagong paraan ang Immigration Office ng Polizia di Stato ng Bologna sa appointment system ng mga ‘permessi cartacei’ o permit to stay na papel at hindi card.

Ito ay ang mga permit to stay na hindi nangangailangan ng kit postale at direkta sa Immigration Office tulad ng minore età, familiare di cittadino italiano, cure mediche, carta UE per familiare comunitario, pati na rin sa mga appointment ng lahat ng serbisyo sa Asylum Office tulad ng aplikasyon para sa international protection, releasing at renewal ng permit to stay ng mga asylum seeker at iba pa. Samakatwid, HINDI kasama ang permit to stay per lavoro subordinato.

Maaaring mag-book ng appointment online, sa website

http://booking.cupa-project.it/new_site/

Sa parehong website ay matatagpuan din ang indikasyon ukol sa requirements ng mga nabanggit na uri ng permit to stay.

Ayon sa Immigration Office ang registration at booking ng bagong appointment system ay madali lamang at magpapahintulot sa mas madali at epektibong serbisyo.

Samantala, ang mga call center at Sportelli sa hapon para sa pagkakaroon ng appointment ay ititigil na.

600,000 clandestines na nasa Italya, pangunahing problema sa ngayon – Berlusconi

Halaga ng cash na maaaring dalhin sa paglabas sa Italya