in

Narito kung paano sundan ang proseso ng aplikasyon sa sanatoria online

Ang Sportello Unico ay nagsimulang kumilos sa mga isinumiteng aplikasyon ng mga employer. Narito kung paano maaaring beripikahin sa website ng Ministry ang sitwasyon ng aplikasyon.

Roma – Oktubre 18, 2012 – Matapos ipadala ang aplikasyon ay nagsimula na ang paghihintay ng mga kumpanya, mga pamilya at mga workers sa katatapos lamang na regularization.

Ang kanilang mga aplikasyon ay ipinadala ng Ministry of Interior sa mga Sportello Unico per l’immigrazione. Ang mga tanggapang ito ang sumusuri sa nilalaman at kukuha ng opinyon ng mga Questure at ng mga DTL. Samakatwid, kung hindi kakailanganin ang karagdagang detalye at walang anumang hadlang, ay tatawagan ang employer at ang worker upang pirmahan ang contratto di soggiorno.

Sa kasalukuyan, ay maaaring sundan  online ang proseso ng aplikasyon. Mag-log on lamang sa website ng Ministry of Interior domanda.nullaostalavoro.interno.it at ilagay ang email at password na ginamit upang ipadala ang aplikasyon:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Lalabas sa screen ang listahan ng aplikasyon na isinumite ng employer at ang kasalukuyang sitwasyon ng bawat aplikasyon  at ang maigsingpagpapaliwanag ukol dito:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

I-click sa “Descrizione di dettaglio delle attività” ay makakapasok sa mas kumpletong paliwanag:

 

OAV registration, hanggang Oct 31 na lang!

Regolarizzazione. Inizia l’attesa, la domanda si segue online