in

Mga pagbabago sa halaga ng assegno di maternità at nuclei familiari numerosi

Ang tulong ng Munisipyo sa mga new moms at mga pamilya na mayroong (atleast) 3 anak. Mga pagbabago sa halaga at ang limitasyon ng ISE o Economic situation indicator.

Roma – Pebrero 22, 2013 – Nagbabago taun-taon ayon sa cost of living, ang halaga at mga basehan sa pagbibigay ng tulong pinansyal na ipagkakaloob ng mga Munisipyo at buhat sa tanggapan ng Inps para sa mga new moms at mga malalaking pamilya. Ito ay nakalaan sa mga mas nangangailangan, isang kundisyon na patutunayan ng ISE o Economic Situation Indicator na kinakalkula ng libre sa mga patronato.

Ang maximun amount ng maternity benefit assegno maternità para sa taong 2013 ay 334,53 euros kada buwan, para sa limang buwan.

Ito ay nakalaan sa mga new moms na hindi nata-trabaho, Italyano o EU nationals, sakop maging ang adoption. Ang mga non-EU mothers ay makakatanggap din ng benepisyo kung mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno.

Kinakailangan ang pagkakaroon ng valore Ise na hindi lalampas sa halagang 34873,24 euros para sa pamilya na binubuo ng tatlo katao at tumataas ang halaga sa paglaki ng pamilya. Ang aplikasyon ay dapat gawin sa tanggapan ng Munisipyo sa loob ng 6 na buwan matapos ang panganganak.

Samantala, ang maximum amount naman para sa malalaking pamilya o nuclei familiari numerosi ngayong taon ay 139,49 euros, para sa 13 buwan.

Ito ay nakalaan sa mga mamamayang Italyano at EU nationals na mayroong (atleast) 3 anak na menor de edad. Sa katunayan, ang hatol buhat sa ilang hukom sa Italya, ay kinikilala rin ang benepisyo para sa mga non-EU nationals sa pagkakaroon ng EC long term residence permit o carta di soggiorno. Ang Inps, sa kabila nito, ay patuloy na hindi ibinibilang ang mga non-EU nationals. Isang buwan na ang nakakalipas, ang Associazione Nazionale dei Comune italiani – ay hiniling sa Ministry of Labor at Welfare ang gumawa ng mga paglilinaw at kasalukuyang hinihintay ang kasagutan.

Para sa mga pamilya na binubuo ng lima katao, na mayroong (atleast) 3 menor de edad, ang valore ISE ay hindi dapat lalampas sa 25.108,71 euros. Ang aplikasyon ay dapat isumite sa Munispyo, hanggang Jan 31 ng susunod na taon, para sa mga request ng taong kasalukuyan.

 

“Imigrante, bumalik sa sariling bansa!” – flyers ng Forza Nuova sa buong Italya

ENFiD all set for Filipino diaspora global summit in Manila