in

March 20, simula ng paghahanda ng aplikasyon para sa mga seasonal workers

Simula sa Miyerkules ng umaga, Marso 20, 2013 – ay matatagpuan ang form C o modulo C sa website ng Ministry of Interior. Kailangang i-fill up at i-save, ngunit upang maipadala ito ay kailangang maghintay sa publikasyon ng dekreto.

Roma – Marso 18, 2013 – Simula na ng countdown para sa mga seasonal worker. Magmula sa Miyerkules, ang sinumang nagnanais na papuntahin ang isa sa kanila ay maaaring ihanda na ang form at i-save ito bilang aplikasyon para sa susunod na dekreto sa pamamagitan ng website nullaostalavoro.interno.it. Samantala, upang maipadala ang nasabing form ay kailangang hintayin ang mailathala ito sa Official Gazette.

Matatandaang una nang nailathala ilang araw pa lamang ang nakakalipas, ukol sa kumpirmasyon mula sa Ministry of Interior para sa nalalapit na dekreto. “Simula alas 8:00 ng umaga sa Marso 20, 2013 – ayon sa note – ay matatagpuan ang form C para sa istanze di nulla osta al lavoro previste dal Decreto del Presidente del Consiglio dei Ministri del 15 febbraio 2013 ukol sa pagpasok ng mga seasonal workers sa bansang Italya para sa taong 2013.

 “Ang mga forms – paglilinaw ng Ministry – ay matatagpuan sa website hanggang sa Dis 31, 2013. Ang pagpapadala sa mga aplikasyon ay simula sa unang araw matapos ang paglalathala nito sa Official Gazette”. Hanggang kaninang umaga  ang dekreto ay nasa Corte dei Conti, kung saan sinigurado na ang publikasyon nito sa mga susunod na araw.

Ang bagong dekreto ay magpapahintulot sa pagpasok ng 30,000 seasonal workers na magta-trabaho sa sektor ng agrikoltura at turismo, isang maliit na bilang ngunit sapat upang matugunan ang pangangailangan sa manpower ng  dalawang sektor. Hindi rin diumano kailangan ang magkaroon ng unahan. Ang mga employer ay maaaring magsumite ng aplikasyon online, sa pamamagitan ng nullaostalavoro.interno.it.

 

New Italians sa Parliament

Ang 3 ‘P’ ng buhay: PAG – IBIG, PANGARAP O PERA?