in

Letta sa Kamara: “Gawing yaman ang mga new Italians”

Ang bagong Pangulo ng Konseho sa kanyang pagsasalita: Ang pagkakatalaga kay Kyenge? Ang ‘hangganan’ ay magiging tulay para sa mga komunidad”.

Roma, Abril 30, 2013 – “Kailangang pahalagahan ang pakikipagtulungan ng mga new Italians,tulad ng pagpapahalaga sa mga Italians na nasa ibang bansa”.

Sa kanyang pananalita kung saan hinihingi sa Kamara ang confidence ( o fiducia sa italyano), si Letta ay inilarawan at pinag-isa imigrasyon sa Italya at  ang emigrasyon ng mga Itayano. “Parehong malaki ang maitutulong sa muling pagbangon ng bansa sa malupit na panahong pinagdadaanan nito”.  

 “Ang pagtatalaga kay Cècile Kyenge – dagdag pa ni Letta, kasabay ng malakas na palakpakan sa loob ng sislid, ay nangangahulugan ng bagong pananaw ng ‘hangganan’. Mula hadlang sa pag-asa, mula dibisyon sa pagkakaroon ng tulay sa pagitan ng mga komunidad. Ang lipunan ng kaalaman at integrasyon ay nagsisimula sa loob ng silid aralan at sa mga unibersidad”.

Maroni: “Alfano, ihayag ang iyong posisyon ukol sa Bossi-Fini law”

MTB HAGIBIS 2013 1-Day Short Track Race, kumarera sa Roma