in

Kamara, sang-ayon sa extensyon ng 12 buwan ng permit to stay sa mga nasalanta ng lindol

Sinang-ayunan ng Kamara. Mga lugar na naging biktima ng lindol, extension ng validity ng mga permit to stay sa mga imigrante na nawalan ng tahanan o ng trabaho at mahihirapan sa renewal nito. Murer (Pd):  “Sa ganitong paraan, ay magkakaroon sila ng mas mahabang panahon upang maisa-ayos muli ang kanilang buhay”.

Roma – Hulyo 11, 2012 – Inaprubahan na ang extension ng validity ng mga permit to stay ng mga imigrante na naninirahan sa mga lugar na hinagupit ng lindol noong nakaraang Mayo. Ang mga dokumento ay mananatiling balido para sa isa pang taon kahit ang mga permit to stay holders ay walang sapat na rekisito upang ma-renew ang dokumento, halimbawa, nawalan ng tahanan o trabaho dahil sa lindol.

Ito ay nasasaad sa un articolo del disegno di legge di conversione del decreto "Disposizioni urgenti in favore delle popolazioni colpite dagli eventi sismici il 20 e il 29 maggio 2012", na inaprubahan unanimously sa Kamara, na ngayon ay ihahain naman sa Senado kung saan inaasahang lalabas ang final approval. Sinasabing sa mga lungsod na binabanggit sa ibaba ang buong listahan, “ay hahabaan ng 12 buwan ang validity ng mga permit to stay na balido hanggang Dec 31, 2012 sa mga imigrante na walang sapat na rikisito sa trabaho at/o sa tirahan dahil sa naganap na lindol”.

Ang extension ay resulta ng isang susog na isinumite ng kinatawan ng Democratic Party na si Delia Murer, tinalakay at inaprubahan sa Environment Commission ng Kamara at nagkaroon ng final context ang panukala.

"Ang mga imigrante na naninirahan o nagtatrabaho ng regular sa lugar na nasalanta ng lindol, bukod sa pinsala ng kalamidad, tulad ng lahat ng mga residente, ay nanganganib na mainsulto sa pamamagitan ng halos pagtatanggal ng karapatang manatili sa bansa”, ayon pa kay Murer. “Hindi lamang iilan sa kanila ang nawalan ng tahanan at trabaho. Ngunit nawalan din sila ng sahod at matitirahan at dahil dito ay maaaring matanggal sa kanila ang kanilang mga permit to stay, kasama ang bangungot na malugmok sa pagiging irregular, sa isang lugar na walang karapatan, walang proteksyon, angkop na integrasyon para sa kanilang mga pamilya, para sa kanilang mga anak, na karaniwang sa Italya ipinanganak, na ganap na bahagi ng komunidad.

Ayon sa kinatawan ng PD, ang extension ay "isang tagumpay”. “Ito ay nagpapahintulot sa mga imigrante – dagdag pa nito – upang pansamantalang makahinga. Ang kanilang mga permit to stay ay awtomatikong mare-renew para sa 12 buwan upang tulad ng ilang biktima ng lindol ay muling simulan ag kanilang pamumuhay”.

 

ELENCO DEI COMUNI

 Provincia di Bologna

1. Argelato

2. Baricella

3. Bentivoglio

4. Castello d’Argile

5. Castelmaggiore

6. Crevalcore

7. Galliera

8. Malalbergo

9. Minerbio

10. Molinella

11. Pieve di Cento

12. Sala Bolognese

13. San Giorgio di Piano

14. San Giovanni in Persiceto

15. San Pietro in Casale

16. Sant’Agata Bolognese

 

Provincia di Ferrara

1. Bondeno

2. Cento

3. Mirabello

4. Poggio Renatico

5. Sant’Agostino

6. Vigarano Mainarda

 

Provincia di Modena

1. Bastiglia

2. Bomporto

3. Campogalliano

4. Camposanto

5. Carpi

6. Castelfranco Emilia

7. Cavezzo

8. Concordia sulla Secchia

9. Finale Emilia

10. Medolla

11. Mirandola

12. Nonantola

13. Novi

14. Ravarino

15. San Felice sul Panaro

16. San Possidonio

17. San Prospero

18. Soliera

 

Provincia di Reggio Emilia

1. Boretto

2. Brescello

3. Correggio

4. Fabbrico

5. Gualtieri

6. Guastalla

7. Luzzara

8. Novellara

9. Reggiolo

10. Rio Saliceto

11. Rolo

12. San Martino in Rio

13. Campagnola Emilia

 

Provincia di Mantova

1. Bagnolo San Vito

2. Borgoforte

3. Borgofranco sul Po

4. Carbonara di Po

5. Castelbelforte

6. Castellucchio

7. Curtatone

8. Felonica

9. Gonzaga

10. Magnacavallo

11. Marcaria

12. Moglia

13. Ostiglia

14. Pegognaga

15. Pieve di Coriano

16. Poggio Rusco

17. Porto Mantovano

18. Quingentole

19. Quistello

20. Revere

21. Rodigo

22. Roncoferraro

23. Sabbioneta

24. San Benedetto Po

25. San Giacomo delle Segnate

26. San Giovanni del Dosso

27. Schivenoglia

28. Sermide

29. Serravalle a Po

30. Sustinente

31. Suzzara

32. Villa Poma

33. Villimpenta

34. Virgilio

 

Provincia di Rovigo

1. Bagnolo di Po

2. Calto

3. Canaro

4. Canda

5. Castelguglielmo

6. Castelmassa

7. Ceneselli

8. Ficarolo

9. Gaiba

10. Gavello

11. Giacciano con Baruchella

12. Melara

13. Occhiobello

14. Pincara

15. Salara

16. Stienta

17. Trecenta

 

 

Mga Kundisyon para Mapagkalooban ng Italian Citizenship

Hanggang kailan ako maaaring manatili sa Pilipinas ng hindi manganganib ang aking permit to stay?