in

GIANMARCO, sa zecchino d’oro!!

Isa na namang batang Pilipino ang ating matutunghayan sa bagong edisyon ng Zecchino d’oro. Sya ay si Gianmarco Mallillin, sampung taong gulang. ‘Grazie a te’ ang titolo ng kanyang awitin. Sya ay ating matutunghayan bukas, Martes sa ganap na ika 5 ng hapon sa Rai Uno.

Ang ‘Zecchino d’oro’ ay isang taunang festival na ginaganap sa Bologna, Italy. Ito ay pinananabikan ng mga batang may kakayahang umawit na pinipili at sinasaliksik sa buong bansa. Siyam na bata, at apat sa kanila ay hindi mga Italyano, ang maglalaban laban sa taong ito. Mapapanood ang nasabing transmission mula Nov 16 hanggang Nov 20 sa Rai uno mula alas 5 ng hapon.

‘Bilang Pilipino, hinihingi namin ang pag suporta ng ating mga kababayan’ mga pangungusap ng mga magulang ni Gianmarco na patuloy ang pagtangkilik sa talento ng bata. ‘Mahirap ngunit kung ang kapalit naman ay tagumpay di lamang ng aming pamilya kundi pati ng buong community, ay aming tinanggap ang bagong hamong ito’, dagdag pa ni Eddie, ang ama ni Gianmanrco.

Ito ay  patunay lamang na ang mga Pilipino ay may angking talento sa larangan ng musika at inaasahan ang pagdating ng isang bagong tagumpay para sa mga Pilipinong nasa Italya.

MANNY PACMAN PACQUIAO, immortal sa larangan ng boksing

“Miss Mantova Tinanghal na Miss Philippines-Italy 2010 sa Firenze”