in

Flussi – 5500 new entries at 12350 conversion ng permit to stay

Pirmado na ang bagong dekreto o mas kilala bilang decreto flussi. Malaking bahagi nito ay nakalaan sa mga regular na dayuhang manggagawa na nasa Italya na. Maaari ng simulan ang pagfill-up ng aplikasyon online.

Roma, Disyembre 23, 2014 – Pinirmahan na ang bagong decreto flussi, ngunit maging sa pagkakataong ito, ito ay resulta ng krisis sa ekonomiya at samakatwid ay tila isang pagtanggi sa pangangailangan ng manpower. 
 
Ang teksto, pinirmahan nitong Disyembre 11 at kasalukuyang hinihintay ang paglalathala sa Official Gazette, ay nagpapahintulot sa kabuuang quota na 17850 , kung saan 5500 nito lamang ang tunay na magbubuhat sa ibang bansa, habang 12350 naman nito ay nakalaan sa mga dayuhan na nasa Italya na at maaaring i-convert ang kanilang kasalukuyang permit to stay para sa trabaho.  

 
Narito ang mga detalye:
 
Entries
1,000 mga dayuhang manggagawa na tinapos ang education at formation program sa mga sariling bansa batay sa artikulo 23 ng legislative decree ng July 25 1998, bilang 286
2,400 mga self-employed kabilang sa mga kategoryang binanggit sa batas bilang 221 ng Disymbre 17, 2012, sa pagkakaroon ng mga requirements na hinihingi ng batas at isang entrepreneur. 
100 mga subordinate foreign workers at mga self-employed na may lahing italyano maaaring dahil sa mga magulang hanggang sa third degree na nakalaan  sa mga residente ng bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil.  
2000 mga non-EU nationals na lalahok sa Milan Expo 2015 (na may pahintulot na noong nakaraang Spring pa)
 
Conversion
Maaaring i-convert sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato:
 
• 4,050 permesso di soggiorno per lavoro stagionale;
• 6,000 permesso di soggiorno per studio, tirocino at/o formazione professionale
• 1,000 carta di soggiorno na inisyu ng ibang EU member state sa mga third-country nationals. 
 
Maaari namang i-convert sa permesso di soggiorno per lavoro autonomo:
 
• 1050 permessi di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale
• 250 carta di soggiorno na inisyu ng ibang EU member state sa mga third-country nationals.
 
 
Aplikasyon
Pati sa taong ito, ang mga aplikasyon ay maaari lamang isumite online, sa website ng Ministry of Interior mula alas 9:00 ng umaga ng sumunod na araw ng paglalathala ng decreto flussi sa Official Gazette hanggang sa walong buwang susunod.  Sa isang circular ng mga Ministries of Interior at Labor ipinaliwanag ng detalyado ang buong pamamaraan nito. 
 
Ang mga aplikasyon ay susuriin batay sa chronological order ng pagsusumite ng mga ito, hanggang sa maubos ang mga quota na nakalaan. Ngunit dahil na rin sa pambihirang katangian ng dekretong ito, inaasahang hindi kakailanganin ang magmadali at makipag-unahan, lalo na ang mga quota ng conversion ay tila mahirap maubos. 
 
Habang hinihintay ang paglalathala nito, ay maaari nang maghanda. Sa katunayan, simula kaninang umaga alas 8:00 ng umaga ay posible na ang mag-register sa website ng Ministry of Interior https://nullaostalavoro.dlci.interno.it/Ministero/index2.jsp, 
magfill-up at mag-save ng aplikasyon at hintayin na lamang ang tamang panahon ng pagpapadala nito online. Samantala, sa mga di-gasinong pamilyar gumamit ng computers ay maaaring magtungo sa mga patronato at magpatulong. 
 
Forms
Ang form na dapat gamitin ay nag-iiba ayon sa uri ng pangangailangan:
 
Form A at B para sa mga workers na may lahing italyano na residente ng mga bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil,
Fomr VA para sa conversion ng mga permit to stay per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa permesso di lavoro subordinato. 
Form VB para sa conversion ng mga permit to stay per lavoro stagionale sa lavoro subordinato. 
Form Z para sa conversion ng mga permit to stay per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa lavoro autonomo
Form LS para sa conversion ng mga carta di soggiorno na inisyu ng ibang EU member state sa permesso di lavoro subordinato
Form LS2 para sa conversion ng mga carta di soggiorno
na inisyu ng ibang EU member state sa lavoro autonomo. 
Form LS1 para sa request ng nulla osta sa domestic job para sa mga dayuhang mayroong carta di soggiorno
Form BPS request ng reserved nulla osta sa page-empleyo ng mga dayuhang bahagi ng special project.
 

600 euros tulong kada buwan para bayaran ang nursery at babysitter

Flussi. Via libera a 5500 nuovi ingressi e a 12350 conversioni