in

Enrollment para sa school year 2015-2016, narito kung paano

Hanggang February 15 lamang ang enrollment online ng mga first classes o unang taon ng lahat ng antas sa paaralan tulad ng grade 1, 1st yr JHS at 1st yr SHS. Narito ang video, gabay at FAQ buhat sa Ministry of Education. 
 
Rome –  Enero 25, 2015 – Sinimulan noong Jan 15 at magtatapos sa Feb 15 ang enrollment online ng mga unang taon ng lahat ng antas ng paaralan para sa susunod na school year. Mahalaga para sa lahat ng mga magulang; italyano man o dayuhan. 

 
Ang aplikasyon ay ipapadala online, sa pamamagitan ng http://www.istruzione.it/iscrizionionline/  
Mga imigrante lamang na walang permit to stay, ang personal na mage-enroll sa paaralan. Ang mga mahihirapan gawon ito online ay maaaring tumawag sa 06 5849 4025, mula Lunes hanggang Biyernes 9:00-13:00 at 14:00-18:00.
 
Narito ang FAQ (frequently asked questions). Gayun din ang isang gabay at video buhat sa Ministry of Education kung saan inilalarawan ang sunod-sunod na hakbang ng page-enroll. 

Dayuhang walang permit to stay sa Italya, Flussi o regolarizzazione?

Citizenship application online, malapit na!