in

Distribusyon ng bilang ng decreto flussi sinimulan sa mga probinsya

Ang Ministry of Labor ay ginawa ang unang distribusyon ng mga quota upang matugunan ang pangangailangan ng mga imigrante at employer.Narito ang unang bilang.

 

Roma, Pebrero 25, 2016 – Habang ang mga imigrante at employer ay nagpapatuloy sa pagsusumite ng mga aplikasyon, ay sinisimulan na rin ang conversion ng mga permit to stay at ang pagpasok ng mga seasonal workers na nasasaad sa decreto flussi 2016.

Sa katunayan, ang Ministry of Labour ay sinimula na rin ang pagtatalaga at distribusyon ng unang bahagi ng quota ng mga manggagawa sa mga probinsya. Partikular, ay hinati ang 5727 bilang ng conversion ng lavoro autonomo (self-employment) at subordinato (subordinate job) at 11,110 at entries para sa seasonal job (963 multiple authorization).

Ang ikalawang bahagi ng bilang o quota ay itatalaga naman sa mga probinsya na hihingi pa ng karagdagang bilang.

Narito ang distribusyon ng bilang para sa bawat Rehiyon at probinsya.

90 araw, kailangang hintayin kung hindi makakarating sa araw ng italian language test

Carta soggiorno na pinawalang-bisa dahil nawalan ng trabaho, kasong sarado na para sa Minsitry of Interior