in

Decreto Flussi 2016, inilathala na sa Official Gazette

Ang Decreto Flussi 2016 ay inilathala na sa Official Gazette.

 

Roma, Pebrero 3, 2016 – Tulad ng inaasahan, inilathala na sa Official Gazette ang Decreto Flussi 2016 kahapon.

Sa dekreto sa taong ito ay nasasaad ang halos 30,000 bilang o quota para sa mga non-EU nationals. Partikular ang pahintulot sa 3.600 entries ng mga non-seasonal workers, kasama ang 14.250 conversion ng mga permit to stay at 13,000 para sa seasonal workers.

Narito ang mga teksto, bilang at instruction buhat sa Ministry of Labor at Interior.

Para naman sa mga mahahalagang petsa, maaaring simulang ihanda o i-fill up ang aplikasyon ng non-seasonal at conversion mula sa araw na ito, Feb 3 at ipadala ang mga ito simula sa Feb. 9. Habang ang para naman sa seasonal workers, ang mga aplikasyon ay maaaring ihanda o i-fill up simula Feb 10 at simula Feb 17 ay maaaring ipadala ang mga ito online.

 

Decreto flussi 2016, ang teksto, bilang at instruction

Decreto flussi 2016, ihanda ang aplikasyon online simula Feb 3

 

 

Halaga ng kontribusyon ng mga colf, caregivers at babysitters sa 2016

Ihanda ang aplikasyon ng flussi 2016, narito ang mga forms