in

Decreto flussi 2016, ihanda ang aplikasyon online simula Feb 3

Simula Miyerkules, Feb 3, ay maaaring ihanda ang mga aplikasyon para sa conversion at particular entries. Ang unang click day ay itinakda sa Feb 9. Para naman sa seasonal workers, ang pagpi-fill up ng aplikasyon ay sisimulan sa Feb 10 at ang click day nito ay sa Feb 17.

 

Roma, Pebrero 1, 2016 – Handa na ang lahat para sa decreto flussi 2016.

Habang hinihintay ang paglalathala ng decreto flussi 2016 sa Official Gazette ay itinakda ang petsa ng pagpi-fill up at pagpapadala ng mga aplikasyon. Lahat ay gagawin pa rin online, sa website ng Ministry of Interior, ngunit ang simula ng pagpapadala ng aplikasyon ay iba-iba batay sa uri ng aplikasyon.

Tulad ng una ng inilathala, sa decreto flussi 2016 ay pagsasamahin ang dalawang uri ng flussi. Sa katunayan, ang unang bahagi ng dekreto ay sumasaklaw sa conversion sa permesso di soggiorno per lavoro, ng mga permit to stay na inisyu mula sa ibang dahilan at ilang entries per lavoro non stagionale, na nakalaan sa mga sumailalim sa mga formation courses sa sariling bansa o ilang entries para sa mga South American workers na buhat sa lahing Italyano. Ang mga nabanggit ay maaaring mag-fill up ng aplikasyon simula alas 9 ng umaga ng February 3, at maaaring ipadala online simula February 9.

Samantala sa susunod namang linggo ay sisimulan ang 13,000 entries ng mga non-EU seasonal workers. Ang mga employer ay maaaring ihanda ang aplikasyon simula Feb 10 at maaaring ipadala ang mga ito simula Feb 17.

Gayunpaman, anuman ang uri ng aplikasyon, ay hindi kinakailangan ang mag-unahan. Inaasahang ang bilang o quota ay sapat upang matugunan ang lahat ng aplikasyon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Si Pareng Rey at ang kwento ng kanyang pag-ibig at pakikipagsapalaran

Decreto flussi 2016, ang teksto, bilang at instruction