in

Consegna straordinaria ng mga Permit to Stay, gagawin ng Questura di Brescia

Isang consegna straordinaria  ng mga permit to stay ang nakatakdang gawin ng Ufficio Immigrazione ng Questura di Brescia ngayong Hunyo.

Ang dalawang araw – June 1 at June 8, 8am – 2pm ay inilaan para sa special releasing ng mga dokumento.

Ito ay tumutukoy sa mga aplikante na nakatanggap na ng sms para sa releasing ng pds at para sa mga nasa lumang listahan na hindi pa rin kinukuha ang kanilang permit to stay.

“Ito ay magandang pagkakataon rin upang magbigay g mga impormasyon at paglilinaw ukol sa mga renewal na kasalukuyang nasa loob na ng tanggapan”, ayon sa Questura di Brescia.

 

 

Pake-paketeng ‘Spaghetti sauce plus Parmesan Cheese’ mula Pinas, sekwestrado sa Genoa

80 dekreto sa pagpapawalang-bisa ng italian citizenship, handa na