in

Click day para sa mga Seasonal workers, ngayong araw na!

Ngayong araw, April 24 ay ang ikalawang petsa ng Click day na itinalaga ng Decreto Flussi 2019. Ang ikalawang petsa ng click day ay tumutukoy sa pagsusumite ng aplikasyon ng mga employers para sa employment ng mga seasonal workers.
Samantala ang sinimulang click day noong nakaraang April 16 ay nakalaan naman para sa non-seasonal at conversion ng ilang uri ng permit to stay.

Ang mga aplikasyon ay gagawin at isusumite sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior: http://domanda.nullaostalavoro.dlci.interno.it, gamit esklusibo ang SPID ID. I-click ang “Sportello Unico Immigrazione“, pagkatapos ay “Richiesta moduli”.

Ang pagsusumite ng aplikasyon ay nakatakda hanggang Dec. 31, 2019.

Ang aplikasyon para sa nulla osta al lavoro subordinato stagionale ay ang Modulo C-Stag.

Kawalan ng minimum salary required, hindi hadlang sa renewal ng permesso di soggiorno per lavoro subordinato

Liberation Day, ipinagdiriwang sa Italya tuwing April 25