in

Citizenship application online, malapit na!

Ang mga naghahangad na maging ganap na mamamayang italyano ay gagawin ang aplikasyon online, lakip ang mga dokumentasyon sa electronic format nito. Sisimulan sa Abril. Samantala, suspendido ang mag appointments sa Modena.

Rome – Enero 25, 2015 – Maging ang Italian citizenship ay ipo-proseso na rin online
 
Sa kasalukuyan, ang pagkuha lamang ng appointment ang ginagawa online. At sinuman ang nais maging italyano ay matiyagang naglo-log on sa patuloy na nabo-block na website ng Prefecture kung saan kinukuha ang tila gintong petsa ng appointment upang isumite ang aplikasyon at lahat ng mga kinakailangang dokumentasyon. 

 
Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga request, na hindi kayang subaybayan ng mga empleyado at suportahan ng karagdagang pondo, ang nagtulak sa Ministry upang gawin ang kinakailangang hakbang. 
 
Simula sa susunod na spring, ay maaaring magsumite ng aplikasyon online lakip ang lahat ng mga dokumento sa electronic format nito sa ilang mga lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng isang area riservata sa website ng Ministry, tulad halimbawa, ng mga aplikasyon ng decreto flussi.   
 
Ang hakbang na ito ay una ng inanunsyo ni Minister Angelino Alfano sa isang House hearing. Sa ngayon, mula sa salita ay aksyon na at ito nga ay sisimulang subukan sa ilan at piling prefecture lamang muna at isusunod ang lahat ng bahagi ng bansa. 
 
Ang kumpirmasyon ay nagmula sa Modena, kung saan ang bagong system, sa paliwanag ng prefecture, ay sisimulan mula Abril. “Ito ay magpapahintulot sa isang malaking pagpapagaan sa proseso – tulad ng mababasa sa isang note – at magpapahintulot sa mga aplikante ng maginhawang paraan ng pagsusumite ng aplikasyon sa kanilang tahanan.“
 
Habang hinihintay ang malaking pagbabagong ito, ang mga nais maging italyano na namumuhay sa Modena ay kailangang magpasensya dahil kasalukuyang suspendido ang pagbibigay ng mga appointments: “Ang Prefecture na ito ay hindi nagbibigay ng karagdagang petsa sa pagsusumite ng aplikasyong papel”. 
 

Enrollment para sa school year 2015-2016, narito kung paano

Pasasalamat kay Lolo Kiko ng Sambayanang Pilipino sa Italya