in

Cervia: Mannequin na may pinturang pula at saging sa stage laban sa Ministro

Pambabastos mula sa “Forza Nuova” bago ang pagdating ng Ministro ng Integrasyon sa Cervia, sa Ravenna. Isang gabi, isang di-kilala ang naghagis ng saging sa entablado. “Sinayang na pagkain” – Ministro. 

Roma, Hulyo 28, 2013 – Dobleng pambabastos sa Ministro ng Integrasyon Cecile Kyenge sa Cervia, sa piyesta ng Democratic Party.
 
Ilang mga mannequins, minantsahan ng pinturang pula na tila dugo at sinamahan ng mga placards at mga brochures: “Nakakamatay ang Imigrasyon – Hindi sa ius soli”, ang mga iniwan noong nakaraang gabi sa Salinari plaza. Ito ang ginawang aksyon ng Forza Nuova. Makalipas ay ang paghagis naman ng saging Biyernes ng gabi. 

  
Ang Forza Nuova, sa kilos ng pagtutol ay isinulat “proteksyunan ang  identidad ng Italya na dapat ay pangunahing interes, dahil ito ay kumakatawan sa lakas kung saan nagmumula ang buhay ng ating mamamayan”. 
 
Ang mga pulis ay kinilala ang anim na tao bilang may-akda ng blitz, habang ang Pd ng Cervia ay nagpahayag "ganap na nakakalungkot ang mga ikinilos ng isang grupo ng mga ekstremista para ipahiya ang aming partido, na abala sa mga araw na ito sa tradisyonal na pagdiriwang ng PD. Pag-aalala at nakakagulat na presensya sa ating lungsod ng mga kahiya-hiyang pagkilos ng mga ekstremista”. 
 
Bandang gabi isang taong hindi pa nakikilala ay naghagis naman ng ilang saging sa Minister habang nagsasalita sa stage. Ang prutas ay hindi naman umabot sa stage, at umabot sa una at pangalawang hilera ng mga nanonood. Inilarawan ng ministro  "isang pang-insulto sa kahirapan at isang pagsasayang ng pagkain."
 

Colf, caregiver at babysitter – Paano kalkulahin ang araw ng bakasyon o ferie?

Citizenship for children born in Italy – Notification to arrive 6 months before turning 18