in

Bonus cultura, matatanggap simula Nov 3

Isang anunsyo sa www.18app.it na handa na ang pondong nakalaan para sa mga kabataang Italyano at hindi, para sa pagbili ng mga libro at pagpunta sa cinema, teatro at konsiyerto.

 

Nobyembre 3, 2016 – Matapos maghintay ng halos isang taon, ilang araw na lamang at ang bonus cultura na nagkakahalaga ng 500 euros ay matatanggap na ng lahat ng mga kabataan na magdiriwang ng ika-18 taong gulang ngayong taon. Hindi mahalaga anuman ang nasyunalidad na nasasaad sa pasaporte ng mga kabataan, Italyano man o hindi, ang tanging dapat isaalang-alang ay ang pagiging “residente sa bansa na nagtataglay ng balidong permit to stay”.

Ang halagang nabanggit, ayon sa inilathalang regulasyon sa Gazzetta Ufficiale, ay ipagkakaloob sa pamamagitan ng website www.18app.it sa anyo ng mga “e-vouchers na nagtataglay ng identification code na maaaring gamitin hanggang Dec 31, 2017”.  Ang mga e-vouchers ay magagamit sa pagbili ng mga tiket para sa teatro, pelikula at mga live shows; libro; entrance sa mga museums, exhibits, cultural events, galleries, archaeological sites at natural parks.

Ang website www.18app.it ay nananatiling beta version. Ito ay nagpapahintulot sa registration ng mga operators kung saan maaaring gamitin ang mga vouchers at sa access ng mga kabataang 18 anyos para sa proseso ng releasing ng SPID, ang digital identity na mahalaga sa pagtanggap ng bonus. Bukod dito, nasasaad na ang SPID “ay kakailanganin upang matanggap ang cultural bonus na nagkakahalaga ng 500 euros na matatanggap simula Nov 3”. 

Simula bukas, Huwebes Nov 3, sa wakas ay darating na ang inaasahang pondo. Ang reaksyon ng mga kabataan, impormasyon at palitan ng kuru-kuro ay matatagpuan sa facebook group  “18app – Bonus Cultura 500€ 18enni” kung saan mayroong 1600 mga kabataan ang miyembro. Makikita rin ang isang survey kung paano ito gagastusin ng mga kabataan: nangunguna ang mga libro,  sinundan ng konsyerto at sine. 

Bukod dito, isang magadang balita sa sinumang magdi-18 anyos sa taong 2017. Kinumpirma ng bagong budget ang bonus cultura kahit sa susunod na taon at inaasahang ang pagkakaroon na ng website at regulasyon nito ay magpapahintulot matanggap ang bonus sa tamang panahon. 

 

Mga Pilipino mula sa Norcia, darating sa Roma!

Italian language test para sa carta di soggiorno, ano ang proseso?