in

Blue card, aplikasyon on line simula ngayon

Simula ngayong araw na ito, mula alas 8 ng umaga, ay maaaring isumite online ang mga aplikasyon para sa trabaho ng mga highly qualified migrant workers.

Roma, Agosto 8, 2012 – Mula ngayong araw na ito, ay maaaring ipadala online ang aplikasyon ng sinumang nagnanais ng Blue Card, ang bagong uri ng permit to stay ng mga highly skilled workers ng legislative decree num. 108 ng June 28, 2012.

Alas 8 kaninang umaga ng simulan ang electronic procedure ng pagpapadala ng aplikasyon sa mga Sportello Unico per l’Immigrazione.

Upang makapasok sa programa, paliwanag ng Department of Civil Liberties and Immigration sa Circular num. 3 ng Agosto 2012, ay kailangang mag-register – simula ngayong araw ring ito – sa online service ng mga aplikasyon sa website https://nullaostalavoro.interno.it, gamit ang sariling email address.

Pagkatapos ng registration ay magtungo sa ‘Richiesta moduli’, kung saan magpi fill-up ng form (modulo di richiesta nullaosta al lavoro per il rilascio della Carta Blu Ue) Modulo BC.

Upang maipadala ito, ay kailangang sagutan ang lahat ng mga hinihinging impormasyon/datos – tulad ng contract of employment o ang proposal, educational attainment at ang angkop na kwalipikasyon, yearly gross income, batay sa kalkulasyong itinalaga ng batas– at pagkatapos ay i-click ang ‘Invia’. Ang aplikante ay maaaring sumangguni sa online guide at i-verify ang mga ipinasok na datas.   

Ang resibo sa pagsusumite ng aplikasyon online ay maaaring matunghayan sa user homepage. Matapos ipagkaloob ang ‘nulla osta’ o ang pahintulot – sa loob ng 90 araw matapos isumite online ang aplikasyon – ang worker ay maaaring magtungo sa Sportello Unico upang pirmahan ang contratto di soggiorno.

 

Mga paglilinaw ukol sa conversion ng mga driver’s license ng mga Pilipino

Sanctions decree, ipatutupad simula ngayon. Narito ang nilalaman