in

BERLUSCONI, masyadong mainit

Kasama ng krisis ng kanyang pamahalaan, ang isang bagong scandal kamakailan ni Berlusconi, pagkatapos matuklasan noong katapusan ng Mayo, ang personal nyang pakikialam sa mga pulis ng Milan sa pagpapalaya sa isang menor de edad na Moroccan na nahuli dahil sa pagnanakaw at pagkakasangkot sa prostitusyon. Ruby, ito ang screen name ng nasabing babae, na nagsabi na siya ay bumisita sa bahay ni Berlusconi sa Arcore, kung saan naganap ang mga parties na may kaugnayan sa sex.
Ang pribadong buhay ni Berlusconi ay madalas na mainit sa paningin ng madla. 
Noong spring ng 2009, sa kanyang pagdalo sa kaarawan ng 18 yrs old na si Noemi Letizia, ay inumpisan ang ilang mga katanungan tungkol sa relasyon sa pagitan ng dalawa.
Ng sumusunod na summer naman, ang prostitute na si Patricia D’Addario,  ay nagbunyag ng mga gabing kasama si Berlusconi, ganun din ng mga parties tulad ng mga inilarawan ni  Ruby.
Kadalasan sinasabi ni Berlusconi ang kanyang partikular na pagtingin sa mga babae at walang sinuman ang maaaring bumago ng kanyang pamumuhay.
Ngunit para sa kanyang mga katunggali, na ginagamit ang kanyang pag-uugali bilang blackmail, ay maaaring makapinsala sa interes ng bansa.

“Miss Mantova Tinanghal na Miss Philippines-Italy 2010 sa Firenze”

Protezione Civile, may bagong pangulo