in

BANGKONG PINOY SA ROMA, NINAKAWAN!!

Isang nakawan ang naganap ilang sandali lamang bago dumating ang armored vehicle upang dalhin ang 600,000 euros ng isang money transfer sa Via Carlo Cattaneo 15, ang RCBC telemoney. Alas onse ng umaga noong nakaraang Martes, Jan 11, ng pasukin ng tatlong bandidong armadong Italyano ang nasabing money transfer. Tinutukan ng baril ang isa sa mga empleyado kasabay ng tanong kung saan makukuha ang pera, ngunit ayon sa ikinilos ng mga bandido, waring alam nila kung saan kukunin ang malaking halaga. Patunay ng kanilang pagmamanman ilang araw bago ang nakawan at hindi inilalayo ang posibleng sabwatan.

Dumating ang Section V ng Mobil team (robbery) sa pangunguna ni Andrea Di Giannantonio. Ngunit ang opisyal ay nagsabing kulang ang detalye sa paglalarawan ng mga magnanakaw at hindi ito malinaw. Isang palaisipan  ang oras ng nakawan at syang nagtulak upang hinging ang listahan ng lahat ng empleyado pati ng mga part timers at collaborators ng nasabing ahensya. Sa kasalukuyan, wala pa ring suspect sa mga pangyayari.

Parehong karapatan para sa mga dayuhang biktima ng aksidente sa kalsada

40 katao, nasawi dulot ng matinding pagbaha.