in

Appointment sa SUI sa Roma gamit ang smart phone, inilunsad!

Inilunsad sa Roma ng Sportello Unico per l’Immigrazione ang isang libreng app sa mga smart phones at tablet. Ito ay magpapahintulot magkaroon ng appointment at maging instrumento sa pagpapadala ng mga dokumento. 
 

Roma, Enero 30, 2014 – Ang Sportello Unico per l’Immigrazione sa Roma ay sumasabay sa maka-modernong panahon. Ang serbisyo ng auto convocazione online na inilunsad noong nakaraang summer ay matatagpuan na rin sa mga cellular phones at mga tablets.
 
Salamat sa libreng application na compatible sa operating system ng Android ( 2.2 or more), available ilang araw na ang nakakalipas sa application store ng google (hanapin lamang ang “Prefettura di Roma”). Ito ay magpapahintulot sa pag-prenotate ng appointment sa SUI sa sinumang nagsumite na ng aplikasyon (mahalagang alam ang code) para sa family reunification, flussi o regularization, maging para sa simpleng impormasyon ukol sa katayuan ng aplikasyon. 

 
Ang mga detalye ay ipinaliwanag sa application, samantala ang ilang mahahalagang indikasyon ukol sa dokumento na dadalhin sa araw ng appointment ay matatagpuan naman sa website ng Prefecture. 
 
Ang app ay multilingual: bukod sa wikang Italyano ay matatagpuan din sa wikang Ingles , French , Arabic , Bangladeshi , Chinese, Spanish, Portuguese, Albanian , Romanian , Moldavian , Eritrean , Russsian at Filipino. Ipinapaalala na sa “INVIA DOCUMENTI: ang user ay kukunan tulad ng isang litrato ang mga dokumento at ipapadala ang mga ito. Sa araw ng appointment naman ay dadalhin ang mga orihinal na dokumento. Ito ay magpapahintulot upang masimulan ang pre-processing ng tanggapan na pinangungunahan ni Viceprefect Fernando Santoriello. 
 
Ang app ay inaasahang magpapahintulot makatipid sa panahon at salapi para sa mga users: “Lalong higit ang mga mamamayan ng third countries na maaaring walang personal computers”, paliwanag ng Prefecture. Magkakaroon ng pagkakataon upang makipag-ugnayan sa SUI sa pamamagitan ng mga available device, at magpapahintulot sa mas mabilis na access sa public administration na hindi na kakailanganin pa ang magtungo sa internet point o sa mga tanggapang nagbibigay ng serbisyo ukol sa imigrasyon na karaniwang sanhi ng nasasayang na panahon at salapi sa nakakarami”. 
 

Anak ng mga irregulars, enrollment sa paaralan pa rin!

Randy Bosque, Hari ng 9-Balls sa Italya