in

Appointmant Online para sa direct hire, family reunification at regularization sa Roma

Isang bagong sistema para sa mga appointments on line. Ang mga ‘users’ mismo ang pipili ng petsa o araw  sa pagpunta sa Sportello Unico.

Rome, Agosto 29, 2013  – Para sa mga dayuhan na naninirahan sa Rome at lalawigan nito, gayun din para sa kanilang mga future employers, ay ginawang mas madali ang pagkakaroon ng appointment sa Sportello Unico per l’Immigrazione. Simula noong nakraang buwan, sa katunayan, ay maaaring pumili ng araw kung kailan nais magtungo sa mga tanggapang pinangunguanahan ng Prefecture para sa mga dokumentasyong may kinalaman sa ricongiungimenti, flussi o regolarizzazione.

Ito ay dahil sa sitema ng booking on line sa website ng prefecture: http://www.prefettura.it/roma/contenuti/64468.htm. I-digit lamang ang code o ang application number at ang petsa ng kapanganakan ng aplikante o ng worker, at maaaring mag-book ng appointment na hindi na kailangang hintayin pa na ang Sportello Unico ang magpadala ng komunikasyon kung saan matatagpuan ang araw o petsa ng appointment.

Mula sa pagtanggap ng araw ng appointment sa pagpili ng araw ng appointment: kung hindi ang aplikante ang hihingi ng appointment, ay padadalhan ng komunikasyon ng kanyang appointment ngunit makalipas ang 3 buwan. Samakatwid, ipinapayong kumuha ng appointment online ngunit tiyaking kumpleto at nagtataglay ng lahat ng requirements dahil kung hindi ay manganganib na masayang lamang ang panahon.

Ang sistema ay tila epektibo. "Kami ay nagsimula dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan, at kasalukuyang Ferragosto, ngunit kami ay nakatanggap na ng higit sa 500 autoconvocazioni”, ayon kay Ferdinando Santoriello, ang responsible ng SUI ng Roma.

"Ang bagong pamamaraang ito – dagdag pa nito – na ginawang mas aktibo ang ugnayan sa pagitan ng mga user at aming tanggapan ay magpapahintulot upang mapabuti ang aming serbisyo para sa kapakinabangan ng lahat, upang walang masayang na anumang panahon”. Isipin na lamang na hanggang sa kasalukuyan ang 40% ng mga binigyan ng appointment ng SUI ay hindi nakarating dahil walang sapat na dokumentasyon at karamihan ay kinakailangang bumalik para sa karagdagang dokumentasyon. Sa ngayon ay iba na ang sitwasyon: “ako mismo ang pipili ng petsa ng pagpunta sa SUI sa pagkakaroon ng kumpletong papeles”.

Partikular, maaaring kumuha ng appointment para sa:

1 – Family reunification o ricongiungimenti familiari upang isumite ang aplikasyon

2 – Releasing ng working permit (nulla osta ng decreto flussi – stagionali – conversioni)

3 – Para sa submission ng mga dokumentasyon ng Regularization at sa pagpirma ng employment contract (ang appointment ay maaring gawin ng employer o ng worker, para sa validity ng appointment kailangang magtungo pareho ang employer at worker sa SUI sa petsang napili)

4 – Para sa mga first entry ng mga dayuhang binigyan ng visa at nakapasok sa Italya (para sa first entry ng mga miyembro ng pamilya ay sapat na ang isang appointment na mayroong application number o [RM], at petsa ng kapanganakan ng aplikante)
5 – Impormasyon
 

"Ang mga pino-proseso – ayon sa  Prefecture – ay  ipinapasok sa sistema ng SUI kapag kumpleto na ang mga opinyong positibo buhat sa Questura at Direzione Territoriale del Lavoro at samakatwid sa araw mismo ng appointment. Sa kasong ang dokumentasyon ay kasalukuyang pino-proseso pa, kung iiwan ng aplikante ang e-mail address ay padadalhan ng abiso, upang makapag-book ng appointment online.

Isang manual ang maaaring sangguniin ng mga users, na matatagpuan sa website ng prefecture. Sa mga nangangailangan naman ng tulong, ay maaaring makipag-ugnayan sa immigrazione.pref_roma @ interno.it at ibigay ang personal datas, application code at tukuyin ang mga problemang natagpuan .

TAKING CHANCES IN ITALY…

Naaksidenteng Pilipino Seaman Panatag ang Kalooban sa Cagliari