in

Aplikasyon para sa Italian citizenship, narito ang bagong bollettino postale

Ang bollettino postale ng lahat ng mga aplikasyon para sa italian citizenship ay nagkakahalaga na ng € 250,00 simula Oct 5, 2018 

Ito ang araw kung kailan inaprubahan ang decreto salvini at simula sa araw ding iyon ay tinaasan ang halaga ng ‘kontribusyon’ sa pag-aaplay ng Italian citizenship: mula € 200,00 sa € 250,00.

Bukod sa iba pang requirements upang maging naturalized Italian, ay kailangan ring magbayad ng halagang € 250,00 gamit ang bollettino postale, sa conto corrente 809020 sa Ministry of Interior-Department of Civil liberties and Immigration. Ang mga bollettini ay matatagpuan sa mga Prefecture at mga Post Offices na mayroong ‘Sportello Amico’.

Matapos bayaran ang halagang nabanggit, ang pinagbayaran ay kailangan i-scan upang mapatunayan ang pagbabayad nito at kasama ang ibang requirements at aplikasyon ay ipapadala online.

Mahalagang malaman na ang €250,00 sa kasong negatibo ang resulta ng aplikasyon ay hindi ibabalik sa aplikante.

Kailangan rin ba ang marca da bollo ng €16,00?

Sa aplikasyon, bukod sa pinagbayarang €250,00 ay kailangan din ang numero ng e-marca da bollo. Ito ay nagkakahalaga ng €16,00. Ito ay hindi muna idinidikit sa aplikasyon bagkus ay isinusumite sa Prefecture sa araw ng appointment.

 

 

Disegno Legge 718 ng Lega: Test di Cittadinanza

“Battle of the Sponsors”, kung saan ang mga sponsors ang bida!